Ika-30 ASEAN Summit, ipininid

2017-04-30 17:42:07 CRI CRI

Ika-30 ASEAN Summit, ipininid

Ipininid kahapon, Sabado, ika-29 ng Abril 2017, sa Maynila, ang 4-araw na Ika-30 Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Idinaos nang araw ring iyon ng mga lider ng sampung bansang ASEAN ang closed-door meeting, kung saan nagpalitan sila ng palagay hinggil sa integrasyon ng ASEAN, at mga isyung may kinalaman sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

Sa kanya namang talumpati sa sesyong plenaryo ng summit, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, na sa ilalim ng tema ng kasalukuyang summit na "Partnering for Change, Engaging the World," inulit ng mga lider na ang ASEAN ay magdudulot ng positibong pagbabago sa pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyong ito.

Binigyang-diin din ni Duterte ang kahalagahan sa paggalang sa pagsasarili at sovereign equality ng iba't ibang bansa. Inulit niya ang paggalang sa isa't isa at pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan sa pagitan ng ASEAN at mga dialogue partner nito, at ang prinsipyong hindi pakikialam sa mga suliraning panloob ng mga bansang ASEAN.

Sa chairman's statement na ipinalabas naman pagkaraan ng summit, positibo ang mga lider ng ASEAN sa mga natamong bunga sa anim na paksa ng summit, na kinabibilangan ng isang people-oriented at people-centered ASEAN, kapayapaan at katatagan sa rehiyon, seguridad at kooperasyong pandagat, inclusive at innovation-led growth, ASEAN resiliency, at ASEAN bilang modelo ng regionalism at papel nito sa daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino