Plota ng hukbong pandagat ng Tsina, dumating sa Davao

2017-05-01 15:38:33 CRI CRI

Plota ng hukbong pandagat ng Tsina, dumating sa Davao

Dumating kahapon, Linggo, ika-30 ng Abril 2017, sa Davao ang plota ng hukbong pandagat ng Tsina, para simulan ang 3-araw na pagdalaw. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng plotang Tsino sa lunsod na ito.

Plota ng hukbong pandagat ng Tsina, dumating sa Davao

Sa seremonya ng pagtanggap na idinaos ng panig Pilipino sa Port of Davao, sinabi ni Miao Hua, Political Commissar ng Hukbong Pandagat ng People's Liberation Army, at puno ng delegasyong Tsino, na palalakasin ng pagdalaw na ito ang relasyon ng mga hukbong pandagat ng Tsina at Pilipinas. Umaasa rin aniya siyang makakatulong din ito sa pag-unlad ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Sara Duterte-Carpio, Alkalde ng Davao, ang pag-asang pasusulungin ng pagdalaw na ito ang pagpapalitan ng dalawang panig hinggil sa mga isyung pandagat at kooperasyong pandagat. Nananalig aniya siyang makakabuti rin ito sa pagpapalakas ng kapayapaan at pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina.

Ang naturang plota ay binubuo ng tatlong bapor, missile destroyer Changchun, missile frigate Jingzhou at supply ship Chaohu. Ang pagdalaw ay kauna-unahan ding pagdalaw ng plotang Tsino sa Pilipinas, mula noong Abril ng 2010.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino