Pribadong sektor ng Biyetnam, gumawa ng malaking ambag para sa pambansang kabuhayan

2017-05-03 15:16:04 CRI

Sa proseso ng 30 taong pag-unlad, umabot sa 40% ang contribution rate ng pribadong sektor ng Biyetnam sa Gross Domestic Product (GDP). Gumawa ito ng napakalaking ambag para sa paglago ng kabuhayan at pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan sa loob ng bansa.

Hanggang noong katapusan ng 2016, lampas sa 110 libo ang bilang ng mga rehistradong bahay-kalakal sa buong Biyetnam, at patuloy pang tumataas ang bilang at proporsyon ng mga ito. Ang bilang naman ng mga micro-enterprise na wala pa sa 10 manggagawa ay katumbas ng mahigit 2/3 ng kabuuang bilang ng mga bahay-kalakal ng bansa.

Sa simposyum na may temang "Pagsalubong ng Pag-unlad ng Pribadong Sektor ng Bagong Panahon," ipinahayag ng mga kinatawan ng ilang industriya at departamento ang kani-kanilang kuru-kuro hinggil sa mga kinauukulang gawain ng pagtatakda ng mekanismo ng pag-unlad ng pribadong sektor. Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng pribadong sektor para sa pambansang kabuhayan.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino