Sultan ng Brunei, dadalo sa ika-14 na CAExpo

2017-05-04 12:01:19 CRI

Bandar Seri Begawan, kabisera ng Brunei—Miyerkules, Mayo 3, 2017, nakipagtago dito si Sultan Hassanal Bolkiah ng Burnei kay Chen Wu, dumadalaw na Tagapangulo ng Pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina.

Sinabi ni Bolkiah na ang China-ASEAN Expo (CAExpo) ay naging mahalagang plataporma ng pagpapahigpit ng ASEAN ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina at Guangxi. Aniya, ang Brunei ay "Country of Honor" ng ika-14 na CAExpo sa kasalukuyang taon. Sa panahong ito, mamumuno siya sa isang delegasyon para dumalo sa nasabing CAExpo.

Nagkaisa rin ng palagay ang kapuwa panig tungkol sa pagpapasulong sa konstruksyon ng economic corridor sa pagitan ng Brunei at Guangxi.

Sinabi ni Chen Wu na ang naturang economic corridor ay mahalagang bahagi ng "Belt and Road" construction, at lubos na pinahahalagahan ito ng kanyang pamahalaan. Nagpahayag naman si Bolkiah ng pag-asang maalwang susulong ang konstruksyon ng koridor.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino