Pangulo ng Tsina at Pilipinas, nag-usap sa telepono

2017-05-04 13:04:05 CRI

Nag-usap sa telepono, kahapon, Miyerkules, ika-3 ng Mayo 2017, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.

Tinukoy ni Xi, na noong isang taon, sa pamamagitan ng dalawang pagtatagpo, narating nila ni Pangulong Duterte ang mahalagang komong palagay hinggil sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pilipino, at naisakatuparan ang komprehensibong pagbuti ng relasyong ito.

Aniya, sa kasalukuyan, lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at Pilipinas, sumusulong ang kooperasyon sa iba't ibang aspekto, at naitatag din ang tsanel ng diyalogo at pagsasanggunian ng dalawang panig hinggil sa isyu ng South China Sea. Ito aniya ay angkop sa saligang interes ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, at pinapurihan din ito ng mga bansa sa Asya at komunidad ng daigdig.

Umaasa aniya si Xi, na igigiit ng dalawang bansa ang landas tungo sa pagkakaibigan at pagtutulungan, at buong lakas na pasusulungin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang aspekto. Ito aniya ay para magdulot ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

Binigyang-diin din ni Xi, na positibo ang panig Tsino sa mahalagang papel ng Pilipinas, bilang tagapangulong bansa ng Association of Southeast Asian Nations, para sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Silangang Asya sa tamang landas.

Dagdag pa ni Xi, bilang mahalagang magkatuwang sa Belt and Road Initiative, ipinahayag niya ang mainit na pagtanggap sa pagdalo ni Pangulong Duterte sa Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing. Umaasa rin aniya siyang muling makikipagtagpo kay Pangulong Duterte sa panahong ito.

Ipinahayag naman ni Duterte ang kasiyahan sa lumalakas na pagkakaibigan at pagkakaisa ng Pilipinas at Tsina, at mabilis na pagpapanumablik at pagsulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa iba't ibang aspekto. Nakahanda aniya ang Pilipinas, na magsikap, kasama ng Tsina, para panatilihin ang tunguhin ng pagbuti at pag-unlad ng bilateral na relasyon.

Dagdag ni Duterte, bilang tagapangulong bansa ng ASEAN, ibayo pang pasusulungin ng Pilipinas ang relasyong ASEAN-Tsino, at palalakasin ang pag-uugnayan at pagtutulungan ng dalawang panig sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Ipinahayag din ni Duterte ang pananabik sa pagdalo sa Belt and Road Forum sa Beijing.

Nagpalitan din ng palagay ang dalawang pangulo hinggil sa kalagayan sa Korean Peninsula. Binigyang-diin ni Xi, na iginigiit ng Tsina ang walang sandatang nuklear na peninsula, pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa lugar na ito, at paglutas sa mga isyu sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Pinaninindigan aniya ng Tsina na magtimpi ang iba't ibang may kinalamang panig, at bumalik sa lalong madaling panahon sa talastasan. Inaasahan din aniya ng Tsina ang pagpapatingkad ng ASEAN ng positibong papel sa isyung ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino