Inflation rate ng Thailand, patuloy ang paglaki

2017-05-05 15:07:23

Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Ministri ng Komersyo ng Thailand, noong isang buwan, tumaas ng 0.38% ang inflation rate ng bansa kumapara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Patuloy ang paglaki nito, simula noong nakaraang 13 buwang singkad. Noong unang 4 na buwan ng taong ito, tumaas ng 1.03% ang inflation rate ng bansa kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

Ayon pa sa pagtaya ng nasabing ministri, sa buong 2017, aabot sa 1.5% hanggang 2.2% ang inflation rate ng bansa. Dahil sa paglaki ng kita ng mga magsasaka bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong agrikultural, at mainam na pag-ahon ng pagluluwas ng bansa, makakatulong ang mga ito sa paglaki ng konsumo.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino