Brunei exhibition ng CAExpo, nakakapagpasulong sa kooperasyong Sino-ASEAN

2017-05-05 15:09:58

Bandar Seri Begawan, Brunei - Binuksan nitong Huwebes, Mayo 4, 2017, ang kauna-unahang Brunei exhibition ng 2017 China-ASEAN Expo (CAExpo). Dumalo rito ang mga 70 Tsinong bahay-kalakal upang humanap ng pagkakataong komersyal.

Ipinahayag ng Sekretaryat ng CAExpo na ang nasabing eksbisyon ay ibayo pang makakapagpasulong sa pagpasok ng mga bahay-kalakal na Tsino sa ASEAN market, at makakapagpalalim sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng dalawang panig.

Ang nasabing eksbisyon ay magkakasamang itinaguyod ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Ministri ng Diplomasya at Kalakalan, at iba pa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino