Sec. Martin Andanar: Pinahalagahan ang Balitang Batay sa Katotohanan para Isulong ang Mabuting Ugnayan

2017-05-05 18:49:58 CRI CRI

Sec. Martin Andanar: Pinahalagahan ang Balitang Batay sa Katotohanan para Isulong ang Mabuting Ugnayan

Si PCOO Sec. Martin Andanar (kanan) ay kinapapanayam ni Mac Ramos (kaliwa) sa loob ng studio ng CRI

Best Practices ng Mediyang Tsino

Sa ekslusibong panayam ng China Radio International (CRI) Serbisyo Filipino ngayong araw Mayo 5, 2017, ipinahayag ni Kalihim Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na mainit ang pagtanggap ng Tsina sa kaniyang delegasyon na dumating Mayo 3 para isagawa ang media visits sa iba't ibang lunsod sa Tsina.

"Kami ay nagpapasalamat dahil ang China ay hindi lang puro salita mayroong aksyon ang kanilang mga pangako na tulungan tayong mga Pilipino, lalung-lalo na sa PCOO, mula nang nilagdaan namin yung MOU noong dumalaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Beijing para magkaroon ng malakas na bilateral communications relationship between China and the Philippines."

Sec. Martin Andanar: Pinahalagahan ang Balitang Batay sa Katotohanan para Isulong ang Mabuting Ugnayan

Group picture ng PCOO delegation at CRI staff, Sec. Martin Andanar (ika-6 sa kanan sa likuran), CRI Vice President Tian Yuhong (ika-6 sa kaliwa sa likuran), Direktor An Xiaoyu ng CRI Southeast Asia Broadcasting Center (ika-5 sa kanan sa likuran), at Direktor Xian Jie ng CRI Filipino Service (ika-3 sa kaliwa sa harapan)

Matapos ang pakikipag-usap kay Vice President Tian Yuhong ng CRI, ipinalalagay ni Andanar na ang pinakamalaking bunga ng kanilang paghaharap ay ang pagpapalakas ng mutual agreement na nilagdaan noong Pebrero sa Pilipinas. Dagdag niya "Agad-agad ay dapat magkaroon ng sharing of content. Kailangan ang CRI Filipino Service ay napapakinggan sa Pilipinas at vice versa."

Nang tanungin hinggil sa kanyang impresyon sa Chinese media sinabi ng Kalihim, "Kung gaano ka professional ang pagpapatakbo ng western media ganoon din ka professional ang pagpapatakbo ng Chinese media. Napakaorganized. It is government owned yet ang reach ay napakalawak sa buong mundo." Napuna rin niya ang pagpapahalaga ng Tsina sa mga mamamayan nito na nasa loob at maging sa mga nasa labas ng bansa. At ito ay magandang halimbawa dahil may higit 8 milyong Pilipino sa iba't ibang panig ng mundo. Aniya pa "Kaya kami sa PCOO gusto naming pag-aralan at kumuha ng direksyon mula sa mga managers ng (Chinese media) para sa pag-expand ng government media outlets (ng Pilipinas) ay hindi magkamali at walang sasayanging resources dahil yung best practices ay napag-aralan na namin dito."

Mga Palagay hinggil sa Belt and Road Initiaive

Masayang ipinahayag ni Kalihim Andanar na ang relasyon ng Tsina at Pilipinas ay napakaganda simula noong naupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang. Aniya higit US Billion ang ipinangakong pamumuhuanan ng Tsina sa Pilipinas. Kung isasali ang mga infrastructure projects maaring umabot ito sa US Billion Public Private Partnerships.

Sinabi pa ni Kalihim Andanar "Kung titingnan ang infrastructure projects ngayon sa ilalim ng Build Build Build (program) aabot ito sa halos 8 Trilyong Piso sa loob ng 6 na taon, at malaking bahagi po doon ay galing sa China. Kaya kami po at nagpapasalamat sa bansang China sa malaking suporta ng gobiyerno para mas lalung lumago ang ating ekonomiya sa Pilipinas. It is undeniable that China is a world power, an economic power, the second largest economy in the world and the number one importer of most of the goods that is being produced outside of China. Maganda po na tayo ay nakikinabang sa mga negosyo na nangyayari dito sa China."

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino