Thailand, naganap ang 3 kaso ng ransomware hacking

2017-05-16 13:01:13 CRI
Ipinahayag Lunes, Mayo 15, 2017 ni Krissana Pattanacharoen, Pangalawang Tagapagsalita ng Thai Pulis na natanggap na nila ang ulat ng 2 hanggang 3 kaso ng ransomware hacking at pinapalakas na mga may kinalamang departamento ang pagkokontrol sa kaligtasan ng Internet.

Ipinahayag pa ni Krissana na dapat maging maingat ang mga Internet users kapag nagda-download o nagbubukas ng attachment ng e-mail, at kung maging biktima ng ransomware, pinaalalahan ang publiko na huwag bayaran ang anumang ransom money at hilingin ang tulong mula sa mga awtoridad ng Internet security.

Nauna rito, hiniling na ni Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand sa Digital Economy and Society Ministry at iba pang may kinalamang departamento na agarang ipaalam sa mga mamamayan ang hakbangin ng pagpigil ng ransomware.

Napag-alamang, sapul nang simulang kumalat ang nasabing virus noong ika-12 ng buwang ito, nasalanta ang ransomware hacking ang mga computer ng mahigit 100 libong organisasyon at organo sa mahigit 100 bansa sa buong daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino