Pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Thailand, ibayong hihigpit

2017-05-19 12:21:26 CRI

Binuksan Mayo 18, 2017 sa Bangkok, Thailand ang Sino-Thai Investment and Trade Fair. Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa mahigit 300 bahay-kalakal ng Tsina at Thailand.

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Somkid Jatusripitak, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand na bilang pinalakas na konektibidad ng kabuhayan ng ibat-ibang bansa at pagpapalitan ng mga mamamayan, ang Belt and Road Initiative ay magdudulot ng ginhawa sa Asya at daigdig. Umaasa aniya siyang bibilis ang ugnayan sa pagitan ng “Estratehiya ng East Economic Corridor” ng Thailand at “Belt and Road Initiative,” para pasulungin ang pangmatagalang pagtutulungan ng dalawang panig sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino