Tagumpay ng pag-unlad ng Tsina at Biyetnam, pagkakataon ng isa't isa—Pangulong Biyetnames

2017-05-25 12:24:34 CRI

Hanoi, Biyetnam—Miyerkules, Mayo 24, 2017, nang makipagtagpo sa Puno ng Xinhua News Agency ng Tsina na si Cai Mingzhao, sinabi ni Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam na ang tagumpay ng pag-unlad ng Biyetnam at Tsina ay pagkakataon para sa isa't isa. Dapat aniyang matutuhan at tulungan ng kapuwa panig ang isa't isa.

Sinabi naman ni Cai na batay sa mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, ibayo pang palalakasin ng Xinhua News Agency ang pagkokober sa mga aspektong gaya ng tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam, usapin ng pagbubukas at reporma ng dalawang bansa, at natamong bunga ng kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Patitingkarin din aniya ang papel ng media bilang tulay ng pag-unlad ng relasyon ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at patitibayin ang pundasyon ng miithiin ng mga mamamayan sa relasyong Sino-Biyetnames.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino