Ika-2 pulong ng 21st Century Panglong Conference ng Myanmar, binuksan; Tsina, gumagawa ng pagsisikap para sa prosesong pangkapayapaan

2017-05-25 16:07:21 CRI CRI

Group picture ng mga kalahok sa ika-2 pulong ng 21st Century Panglong Conference

Binuksan kahapon, Miyerkules, ika-24 ng Mayo 2017, sa Nay Pyi Taw, Myanmar ang ika-2 pulong ng 21st Century Panglong Conference. Layon nitong pasulungin ang pambansang rekonsiliyasyon sa Myanmar.

Si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, sa seremonya ng pagbubukas

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, na bukas ang pamahalaan sa pakikipag-usap sa mga armadong grupo ng mga etnikong minorya na hindi pa lumalagda sa kasunduan ng pambansang tigil-putukan, para lumahok sila sa kasunduan.

Kalahok sa kasalukuyang pulong ang 7 armadong grupo ng mga etnikong minorya na wala pa sa kasuduan sa tigil-putukan. Kabilang dito, ang Myanmar National Democratic Alliance Army, Ta'ang National Liberation Army, at Arakan Army ang kauna-unahang paglahok sa Panglong Conference. Ito ay resulta ng maraming medyasyon ng pamahalaang Tsino.

Si Sun Guoxiang (ikatlo sa kaliwa), puno ng delegasyong Tsino sa pulong, at Espesyal na Sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliranin ng Asya

Kaugnay nito, ipinahayag ni Sun Guoxiang, puno ng delegasyong Tsino sa pulong, at Espesyal na Sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliranin ng Asya, na lubos na pinahahalagahan at pinapansin ng pamahalaang Tsino ang prosesong pangkapayapaan ng Myanmar. Dagdag niya, isang malaking pangyayari ang paglahok ng naturang 7 armadong grupo sa kasalukuyang pulong, at ipinakikita nito ang pagiging komprehensibo at inklusibo ng prosesong pangkapayapaan na pinasusulong ng pamahalaan ng Myanmar.

Ika-2 pulong ng 21st Century Panglong Conference

May 135 grupong etniko sa Myanmar, at ang pangunahing purok-panirahan ng mga etnikong minorya ay nasa 7 estado ng bansang ito. Gusto ng mga estadong ito ang mas malawak na awtonomiya, at dahil dito, walang humpay ang sagupaan sa pagitan ng mga armadong grupo ng mga etnikong minorya, at ng mga armadong grupo at tropa ng pamahalaan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino