Sewage Treatment Plant na itinayo ng bahay-kalakal na Tsino, naisaoperasyon sa Malaysia

2017-05-26 17:24:56 CRI CRI

Dumalo kahapon, Huwebes, ika-25 ng Mayo 2017, sa Kuala Lumpur, si Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, sa seremonya ng pagsasaoperasyon ng Pantai Sewage Treatment Plant. Ito ay pinakamalaking underground sewage treatment plant sa Asya.

Sa seremonya, sinabi ni Najib, na ang plantang ito ay idinisenyo at itinayo ng Beijing Enterprises Water Group Limited. Aniya, sa pamamagitan ng teknolohiya ng Tsina, naisakatuparan ng Malaysia ang naturang proyektong makakabuti sa kapaligiran.

Ang Pantai Sewage Treatment Plant ay matatagpuan sa Lembah Pantai District ng Kuala Lumpur. Mayroon itong kapasidad ng paghawak ng mga maruming tubig ng mahigit 1.4 milyong residente sa Lembah Pantai at nakapaligid na Klang Valley.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino