Pagluluwas ng mga produktong agrikultural, gubat, at akuwatiko ng Biyetnam, lumaki

2017-05-28 16:04:04 CRI CRI

Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw, Linggo, ika-28 ng Mayo 2017, ng Ministry of Agriculture and Rural Development ng Biyetnam, noong unang limang buwan ng taong ito, umabot sa 13.7 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng mga produktong agrikultural, produktong gubat, at produktong akuwatiko ng bansang ito. Ang halagang ito ay mas malaki ng 9.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.

Ayon pa rin sa estadistika, ang Tsina ay nananatiling bansang nag-aangkat ng pinakamalaking bolyum ng bigas ng Biyetnam. Ito rin ay isa sa mga pangunahing pamilihan ng mga iniluluwas na produktong gubat at produktong akuwatiko ng bansang ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino