Union agreement, maalwang nilagdaan sa Myanmar' 21st Century Panglong Peace Conference

2017-05-30 14:48:06

Union agreement, maalwang nilagdaan sa Myanmar' 21st Century Panglong Peace Conference

Ika-2 Pulong ng 21st Century Panglong Peace Conference

Nay Pyi Taw, Myanmar - Ipininid nitong Lunes, Mayo 29, ang Ika-2 Pulong ng 21st Century Panglong Peace Conference. Tinalakay at pinagtibay sa pulong ang 37 artikulo kung saan magkakasamang nilagdaan sa seremonya ng pagpipinid ng mga kinatawan mula sa pamahalaan, hukbong pandepensa, partido, at mga armadong grupo ng pambansang minoriya.  

Union agreement, maalwang nilagdaan sa Myanmar' 21st Century Panglong Peace Conference

Nagtatalumpati sa pulong si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar

Sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, na ang pagkakalagda sa nasabing kasunduan ay isang napakahalagang hakbang sa landas ng pagsasakatuparan ng pambansang rekonsilyasyon at kapayapaan. Ito rin aniya ay isang mahalagang praktis na naghahanap ng komong palagay sa pamamagitan ng mapayapang talastasan. Hinimok din niya ang iba't-ibang kaukulang panig na igiit ang mapayapang landas.  

Union agreement, maalwang nilagdaan sa Myanmar' 21st Century Panglong Peace Conference

Nasa pulong si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar

Ayon sa Sekretaryat, tinalakay sa nasabing pulong ng mga kalahok ang hinggil sa 41 artikulo sa aspekto ng pulitika, kabuhayan, lipunan at pamamahala sa lupa at yamang pangkalikasan. Narating nila ang komong palagay hinggil sa 37 sa mga ito kinabibilangan ng 12 artikulong pulitikal, 11 artikulong ekonomiko, 4 na artikulong panlipunan at 10 artikulong may kinalaman sa pamamahala sa lupa at yamang pangkalikasan.  

 Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino