5 Tsino, nasawi sa pag-atake sa Resorts World Manila

2017-06-04 15:58:55 CRI CRI

Kinumpirma kahapon, Sabado, ika-3 ng Hunyo 2017, ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, na 5 Tsino ang sinawing-palad kaugnay ng pag-atake kamakalawa ng madaling araw sa Resorts World Manila. Kabilang sa mga Tsino ay 1 galing sa Mainland at 4 na taga-Taiwan.

Ipinahayag ng embahada ang mataimtim na pagluluksa sa mga sinawing-palad. Ipinahayag din nito ang kahandaang magbigay ng kakailanganing tulong sa pagpunta sa Pilipinas ng mga kamag-anakan ng mga nasawi.

Hanggang sa kasalukuyan, 38 katao na ang naitalang nasawi sa nabanggit na insidente, at 54 iba pa ang nasugatan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino