Wang Yi, nakipagtagpo sa bagong embahador ng Thailand sa Tsina

2017-06-08 19:08:39

Beijing, Tsina-Miyerkules, Hunyo 7, 2017, nakipagtagpo si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa bagong Embahador ng Thailand sa Tsina na si Piriya Khempon.

Binigyan ni Wang ng positibong pagtasa ang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai. Hinahangaan niya ang puspusang pagkatig ng Thailand sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative. Umaasa siyang sisimulan sa lalong madaling panahon ang proyekto ng kooperasyon sa daambakal ng dalawang bansa. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang kooperasyon nila ng Thailand sa mga suliraning pandaigdig, at pangalagaan ang komong interes ng dalawang bansa at kapayapaa't katatagan ng rehiyon.

Ipinahayag naman ni Ambassador Piriya na patuloy na kakatigan at lalahukan ng kanyang pamahalaan ang konstruksyon ng Belt and Road, at tuluy-tuloy na pasusulungin ang pragmatikong kooperasyon sa daambakal, kabuhaya't kalakalan, at iba pang larangan.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino