Mga talento ng mga bansang ASEAN, mabilis na lumilipat sa mga maunlad na bansa-ADB

2017-06-08 19:11:39

Ayon sa ulat ng pahayagang “Philippine Star” Miyerkules, Hunyo 7, 2017, ipinakikita ng pinakahuling ulat ng Asian Development Bank (ADB) na nitong nakalipas na 10 taon, lumaki ng 66% ang bilang ng mga talentong may college degree na lumipat sa mga bansa ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), sa pamamagitan ng employment based immigration kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, lampas sa kalahati ang galing sa Pilipinas.

Tinaya ng ADB na magpapatuloy ang ganitong tunguhin. Kahit may napakalaking progreso ang pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng mga bansang ASEAN nitong nakalipas na ilang taon, at lampas sa 6% ang karaniwang taunang paglago ng GDP ng mga bansang gaya ng Pilipinas, Biyetnam, Laos, Myanmar at Kambodya, aktibong hinahanap pa rin ng mga talentong may mataas na kalidad ang pagkakataon ng pamumuhay at pagtatrabaho sa ibayong dagat.

Ayon sa estadistika, kabilang sa mga mamamayang tumanggap ng higher education sa Pilipinas, Singapore, Biyetnama at iba pang bansa, halos 10% ang namumuhay sa mga bansa ng OECD, at halos 15% ang proporsyon ng ganitong mamamayan sa Laos at Kambodya.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino