Mga labi at ilang bangkay ng mga nasawi sa nawawalang eroplanong militar ng Myanmar, natuklasan

2017-06-08 19:12:40

Huwebes, Hunyo 8, 2017, ipinatalastas ng Pamunuan ng Hukbong Pandepensa ng Myanmar na natuklasan kaninang umaga ng mga miyembro ng search and rescue team ang mga labi at ilang bangkay ng mga nasawi sa nawawalang eroplanong militar sa rehiyong pandagat sa Timog Kanluran ng Tanintharyi Region ng bansa.

Hindi isinapubliko ng naturang pamunuan ang karagdagang detalye hinggil sa bangkay ng mga nasawi.

Nawawala Miyerkules ang isang eroplanong militar sa himpapawid sa gawing katimugan ng Myanmar. 122 katao na kinabibilangan ng 14 na crew at 108 pasahero ang lulan ng nasabing eroplano

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino