Mga lider ng Tsina, nakiramay sa Myanmar hinggil sa pagbagsak ng eroplanong militar

2017-06-10 11:14:13 CRI

Magkahiwalay na nagpadala sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Premyer Li Keqiang kina Pangulong Htin Kyaw ng Myanmar at Aung San Suu Kyi , State Counselor ng bansang ito ng mensahe bilang taos-pusong pakikiramay sa mga biktima ng bumagsak na eroplanong militar at kanilang mga kamag-anak.

Ipinahayag ng mga lider ng Tsina na nakahanda nitong ipagkaloob sa Myanmar ang kinakailangang pagtulong sa mga gawain pagkaraan ng insidente.

Noong ika-7 ng buwang ito, bumagsak ang isang eroplanong militar ng Myanmar sa rehiyong pandagat sa Timog Kanluran ng Tanintharyi Region ng bansang ito. 122 katao na kinabibilangan ng 14 na crew at 108 pasahero ang lulan ng nasabing eroplano.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino