Cambodia at Tsina, nakahandang magsagawa ng kooperasyon sa daambakal

2017-06-12 10:52:25

Nakipagtagpo kamakailan si Sun Chanthol, Ministro ng Transportasyon at Gawaing Pampubliko ng Cambodia, sa isang delegasyon ng China Railway Construction Corporation (CRCC).

Sinabi ni Sun na ang konstruksyon ng imprastruktura ay gumaganap ng mahalagang papel para sa paglaki ng pambansang kabuhayan. Kaya dagdag pa niya, dapat isagawa ng mga bahay-kalakal ng Cambodia at Tsina ang pagpapalitan at pagtutulungan para pabutihin ang kalagyan ng daambakal ng kanyang bansa.

Ipinahayag ni Lu Peng, Puno ng delegasyon ng CRCC, na nakahanda itong aktibong lumahok ito sa konstruksyon ng imprastruktura ng Cambodia.

Sa kasalukuyan, nilagdaan ng Royal Group ng Cambodia, Ika-17 Sangay ng CRCC at Sino-Great Wall Group ng Tsina, ang isang Memorandum of Understanding (MOU) para isagawa ang pamumuhunan sa konstruksyon ng daambakal ng Cambodia.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino