62 bangkay mula sa bumagsak na military plane ng Myanmar, natuklasan

2017-06-12 15:40:21

Lunes, Hunyo 12, 2017, ayon sa panig militar ng Myanmar, natuklasan na ang 62 bangkay ng mga biktima ng bumagsak na military plane ng bansa. Kabilang dito, natiyak na ang indentidad ng 27 biktima. Ipinahayag ng panig militar na ipagpapatuloy ang search at rescue operation.

Noong Hunyo 7, nawalan ng kontak ang isang military plane na may lulang 122 katao habang lumilipad mula Mergui papuntang Yangon. Idineklara noong Hunyo 8 ng panig militar ng Myanmar na natuklasan ang bahagi ng eroplano at mga bangkay ng biktima.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino