2 piloto sa nawawalang eroplanong militar ng Malaysia, nasawi

2017-06-16 12:57:56 CRI

Sinabi Huwebes, ika-15 ng Hunyo, 2017, ni Affendi Buang, Komander ng Hukbong Panghimpapawid ng Malaysia, na kumpirmadong nasawi ang dalawang piloto sa nawawalang eroplanong militar ng bansa. Natuklasan ang bangkay ng mga piloto sa isang kagubatan sa Terengganu sa dakong silangan ng bansa.

Aniya, bubuuin ng hukbong panghimpapawid ang espesyal na grupo para imbestigahan ang insidenteng ito. Kasabay nito, pansamantalang ititigil ang misyon ng ganitong uri ng eroplano, hanggang matapos ang imbestigasyon.

Sa kasalukuyan, di pa natuklasan ang nawawalang eroplano.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino