Produktong Pinoy, mabentang-mabenta sa Fiesta Pinoy sa Shanghai

2017-06-19 17:25:59 CRI CRI

Para sa mga OFWs at kababayang miss na miss na ang pagkaing sariling atin, di talaga nila palalampasin ang pagkakataong matikman ang lutuing Pinoy.

Sa Fiesta Pinoy Shanghai 2017 na ginanap sa Dai-ichi compound nitong nagdaang Linggo, Hunyo 18, 2017, pinilahan ang iba't ibang booth na alok ay sari-saring produktong Pinoy.

Alok ng Betchay's Kitchen ang mga typical street food ng Pilipnas. Kwento ni Dr. Marina Hernandez, gusto ng kanyang grupo na ipakilala sa mga dayuhang bisita ang mga karaniwang pagkain na tulad ng kwek-kwek, fishball, siomai at singkamas na may bagoong. Lahat ng produkto aniya ay galing pa ng Pilipinas para masiguro ang tunay na lasa.

Unang beses nilang sumali at maging seller at masaya ang kanyang grupo sa naging pagtanggap ng mga bisita sa kanilang booth. Isang dayuhan, na nakapunta na sa Pilipinas, ayon kay Dr. Hernandez ang masayang muling matikman ang meriendang Pinoy.

Ibinibida rin ng Betchay's Kitchen ang Longganisa Bread, sa halip na kanin, tinapay at salad ang kasama nito. Gawang bahay ang longganisa na kanila ring ibinibenta sa Shanghai.

12 taon nang naninirahan si Edward Rosendo Picardal sa Shanghai at kasalukuyan siyang Head Chef sa Tap House. Sa kanyang booth, nabili ang Sendong's Bagnet at Chicharon. Tubong La Union si Sendong, at ang kanyang produkto ay authentic Ilocano at walang preservatives. Ang proseso ng pagluluto ay kanyang kusang idinebelop gamit ang maraming taong karanasan sa food industry.

Payo niya sa kapwa OFW na may angking talino at galing, at may libreng oras na huwag sayangin ang pagkakataon at simulan ang maliit na negosyo para magkaroon ng dagdag na kita. Sa okasyon ng Araw ng Kalayaan, nanawagan din siya sa mga kababayan na magkaisa para sa bayan at iwasan ang crab mentality.

Mula naman sa Wuxi City ng lalawigang Jiangsu, alok nina Nena Sturghill at Princes Boardman ang mga handmade soap. Ang kanilang home industry ay nagsimula na pang-regalo lang sa mga kaibigan. Pero dahil sa magandang feedback at mataas na demand, naisip nilang gawin itong isang negosyo. Sa kasalukuyan online ang kanilang paraan ng pagbebenta sa Wuxi at karatig na mga lugar ng Jiangsu. Ayon kay Princes ang mga produkto ay all natural at pinagbubuhusan talaga niya ng panahon upang masiguro ang kalidad ng kanilang handmade soaps.

Sa pamamagitan ng Fiesta Pinoy Shanghai 2017 nagkaroon ang mga budding entrepreneurs na ipakita ang kani-kanilang mga produkto sa pag-asang isang araw, kung panahon nang bumalik sa Pilipinas, mayroon na silang kaalaman at puwedeng nang simulan ang sariling negosyo.

Taon-taon magkakatulong na inoorganisa ng Filipino Community sa Shanghai (FilComSha) ang mga aktibidad para ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan. Katuwang nito ang konsulado, mga kumpanyang Pilipino sa Shanghai, iba't ibang samahan tulad ng mga propesyonal at musikero, maging ilang mga NGOs.

Ngayong taon, may samu't saring gimik kabilang ang Santacruzan, booth na mga paninda, tugtugan ng mga bandang Pinoy at ang pinakaaabangang raffle ng malalaking papremyo.

Ulat: Mac Ramos

Larawan: Vera at Ernest

Editor: Jade

Web editor: Frank

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino