Joint maritime patrol, sinimulan ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas

2017-06-20 11:15:30

Tarakan, kapital ng probinsyang Kalimantan Utara, Indonesia - Sinimulan Hunyo 19, 2017, ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas ang magkakasanib na pamamatrolya sa dagat. Layon nitong palakasin ang kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa rehiyonal na terorismo at transnasyonal na krimen.

Ginanap ang seremonya ng pagsisimula sa karatig na karagatan ng nasabing lunsod na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Singapore at Brunei bilang tagamasid.

Bukod sa pagsasagawa ng magkakasanib na pamamatrolya, magkakahiwalay na itinatag sa Tarakan, Tawau, at Bongao ng tatlong bansa ang magkakasanib na pamunuan para sa pagbabahaginan ng mga impormasyon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino