National Single Window, isasaoperasyon sa Pilipinas sa Setyembre

2017-06-20 17:42:55 CRI CRI

Isiniwalat kamakailan ni Undersecretary Gil Beltran ng Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas, na nakatakdang isaoperasyon sa darating na Setyembre ng taong ito ang National Single Window (NSW), at bago ang Disyembre ng taong ito, i-uugnay ito sa ibang mga bansang ASEAN na may parehong sistema.

Ang National Single Window ay sistema ng pagpapasimple sa pangkalahatang prosidyur ng pag-a-apply ng mga papeles sa gobyerno. Halimbawa, sa pamamagitan nito, paiikliin sa 3 araw ang tagal ng pag-iisyu ng lisensiya sa pagluluwas at pag-aangkat, na noong dati ay halos isang buwan. Kalakip sa sistemang ito ang 66 na ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa kalakalan, at 10 sonang pangkabuhayan ng bansa.

Sa kasalukuyan, naisaoperasyon na ang sistemang ito sa ilang bansang ASEAN, na gaya ng Indonesya, Malaysia, Singapore, at Thailand.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino