Mga mamamahayag ng Thailand, bumibiyahe sa Inner Mongolia

2017-06-22 13:14:27 CRI

Miyerkules, ika-21 ng Hunyo, 2017, dumating ng Huhhot, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina, ang isang delegasyong binubuo ng 6 na mamamahayag ng Samahan ng mga Mamamahayag na Lokal ng Thailand, para pasimulan ang kanilang 3-araw na bisita doon.

Dumalaw ang delegasyon sa punong himpilan ng Inner Mongolia Daily at Inner Mongolia Radio and Television, at malalimang nalaman ang mga pagsisikap at natamong tagumpay ng naturang dalawang media sa pagpapaunlad ng new media.

Sinang-ayunan ng mga medyang Tsino at Thai na palakasin ang kooperasyon ng mga media, at gumawa ng mas maraming ambag para sa pag-unlad ng kabuhayan, lipunan, turismo at iba pang aspekto ng kani-kanilang bansa.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino