Magkasamang paglaban sa terorismo ng Pilipinas, Indonesya, Malaysia-pinapahigpit

2017-06-23 10:03:56 CRI

Idinaos Hunyo 22, 2017 sa Manila ang komperensya ng Pilipinas, Indonesya, at Malaysia hinggil sa magkasamang pakikibaka laban sa terorismo. Dumalo sa pagtitipon ang mga ministrong panlabas, at mga mataas na opisyal mula sa panig militar, kapulisan, at organong pang-impormasyon ng tatlong bansa.

Sa isang magkasanib na pahayag na inilabas ng tatlong panig, ipinahayag nila ang pagpapahigpit ng kanilang estratehikong pagtutulungan para labanan ang transnasyonal na teroristikong aktibidad. Sinang-ayunan din ng tatlong panig ang magkakasamang pagsisikap para pigilin ang pagtatatag ng base ng Islamic State sa rehiyong ito. Bukod dito, pahihigpitin din ang pagpapabahagi ng impormasyon, pagpapahinto sa ugat ng pondo ng mga teroristang grupo, sasawatain ang pagkalat ng kaisipang panterorismo at pang-ekstrimismo sa internet at social media, at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino