Talakayan hinggil sa kooperasyong industriyal ng Tsina at ASEAN, idinaos sa Beijing

2017-06-23 12:58:51

Beijing, Tsina-Idinaos dito Huwebes, Hunyo 22, 2017 ang talakayan hinggil sa kooperasyong industriyal ng Tsina at ASEAN. Nangulo sa talakayan si Xu Ningning, Executive President ng China-ASEAN Business Council. Dumalo rito ang mga opisyal na komersyal ng mga pasuguan ng mga bansang ASEAN sa Tsina na kinabibilangan ni Rhenita B. Rodriguez, Minister at Consul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina, mga namamahalang tauhan ng mga samahan ng may kinalaman sa industriya ng Tsina, at mga mamamahayag na Tsino't dayuhan.

Talakayan hinggil sa kooperasyong industriyal ng Tsina at ASEAN, idinaos sa Beijing

Si Xu Ningning, Executive President ng China-ASEAN Business Council.

Si Xu Ningning, Executive President ng China-ASEAN Business Council.

Ipinaliwanag sa pulong ang “Joint Statement between ASEAN and China on Production Capacity Cooperation,” na pinagtibay sa China-ASEAN Summit noong nagdaang Setyembre. Inanalisa rin ang mga may priyoridad na larangan ng kooperasyong industriyal ng Tsina at ASEAN, at tinalakay ang hinggil sa bagong pag-unlad ng ganitong kooperasyon sa proseso ng konstruksyon ng Maritime Silk Road.

Si Rhenita B. Rodriguez, Minister at Consul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina.

Si Rhenita B. Rodriguez, Minister at Consul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina.

Ipinalalagay ng mga kalahok na sa proseso ng pagpapatupad ng kooperasyong industriyal, mahalagang mahalaga ang pagpapalakas ng mekanismo ng kooperasyon sa komprehensibong industriya ng Tsina at ASEAN. Ang pagtatatag ng mekanismong pangkooperasyon ay makakatulong sa pag-uugnayan ng kapuwa panig sa pagpaplano at patakaran ng industriya, makakapagpasulong sa pagsasaayos sa estruktura ng industriya at pag-a-upgrade ng industriya, makakapagpabuti ng estruktura ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN, at makakatulong din sa pagsali ng mga bahay-kalakal sa mga pangunahing larangan sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative, lalung lalo na, konstruksyon ng Maritime Silk Road.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino