Mga kilalang iskolar ng Tsina at Kambodya, tinalakay ang hinggil sa Belt and Road Initiative

2017-06-23 13:00:28

Phnom Penh, Kambodya-Idinaos dito Huwebes, Hunyo 22, 2017 ang talakayan na may temang “Pangkalahatang Kalagayan at Pagtanaw sa Kooperasyong Sino-Kambodyano sa Ilalim ng Belt and Road Initiative.” Kalahok dito ang mga kilalang iskolar ng sirkulong akademiko at mga mataas na opisyal na namamahala sa kooperasyon ng mga proyekto ng Belt and Road ng Tsina at Kambodya, at ilang iskolar ng mga bansang Asyano't Europeo.

Mga kilalang iskolar ng Tsina at Kambodya, tinalakay ang hinggil sa Belt and Road Initiative

Binigyang-diin sa pulong ni Norodom Sirivudh, Tagapangulo ng Cambodian Institute for Cooperation and Peace (CICP), na ang Belt and Road Initiative ay bagong ideya sa pagpapasulonng sa kapayapaan, katatagan, kasaganaan, at harmonya. Aniya, maaaring patingkarin ng bawat bansa ang sariling papel sa konstruksyon ng nasabing inisiyatiba, at makikinabang din dito.

Mga kilalang iskolar ng Tsina at Kambodya, tinalakay ang hinggil sa Belt and Road Initiative

Ang mga pinapasulong na proyektong pangkooperasyon ng Belt and Road ng Tsina at Kambodya ay kinabibilangan ng bagong paliparan sa Siem Reap, highway sa pagitan ng Phnom Penh at Sihanoukville, konstruksyon ng electric grid sa kanayunan at iba pa. Patuloy rin ang pagdami ng pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig sa yamang tao.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino