Pelikulang Pilipino, nagwagi ng Best Feature Film award sa Shanghai International Film Festival

2017-06-26 15:48:58 CRI CRI

Nakuha ng pelikulang Pilipinong "Pauwi Na" ang Best Feature Film sa Golden Goblet Awards, sa Ika-20 Shanghai International Film Festival na ipininid kahapon, Linggo, ika-26 ng Hunyo 2017, sa Shanghai, Tsina. Ang naturang parangal ay ang pinakamalaking gantimpala sa pestibal na ito.

Sa seremonya ng pagbibigay-parangal na idinaos kagabi, ginawaran ng gantimpala ang direktor ng naturang pelikula na si Paolo Villaluna. Nauna rito, itinanghal noong isang linggo ang pelikulang ito sa mga manonood na Tsino.

Samantala, nagwagi naman ang pelikula ng Malaysia na "Shuttle Life" ng Best Film, Best Cinematographer, at Best Actor sa Asian New Talent Award.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino