Russia, Thailand at Indonesia, pinag-uusapan ang usapin ng naval equipment supply

2017-06-27 14:02:24

Moscow - Ipinahayag Hunyo 26, 2017, ni Vladimir Kozhin, Asistante ng Pangulong Ruso sa isyu ng kooperasyong panteknolohiya sa larangang militar, na kasalukuyang pinag-uusapan ng Rusya, Thailand, Pilipinas, at Indonesia, ang tungkol sa usapin ng naval equipment supply.

Sinabi nang araw ring iyon ni Kozhin na dahil sa mainam na presensya ng Russian navy sa Syria, nagiging popular ang kagamitang militar ng hukbong pandagat ng bansa sa mga bansang Asyano na may baybaying-dagat.

Aniya pa, sa kasalukuyan, tumataas ang proporsiyon ng halaga ng pagluluwas ng Russian naval equipment sa kabuuang halaga ng pagluluwas ng kagamitang militar ng bansa. Noong isang taon, umabot sa 15.3 bilyong dolyares ang halaga ng pagluluwas ng kagamitang military ng Rusya at 7% nito ang naging halaga ng pagluluwas ng naval equipment.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino