Malaysian PM, nanawagan sa pagkakaisa ng mga mamamayan

2017-06-27 15:22:26

Kuala Lumpur - Tinukoy kamakailan ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay sandigan ng katatagang pampulitika at kasaganaang pang-estado.

Magugunitang ang Hunyo 26 ay Lesser Bairam, mahalagang kapistahan ng mga Muslim. Ipinahayag nang araw ring iyon ni Najib na dapat gampanan ng mga mamamayan ang mahalagang papel sa pagtatanggol ng seguridad ng bansa upang maigarantiyang hindi naaapektuhan ang kanilang sarili, ng ideolohiya ng mga ekstrimistang armadong grupo at ekstrimista.

Dagdag pa niya, saka lamang magkakaisa at maggagalangan sa isa't-isa ang lahat ng mga mamamayan, at patuloy na matatamo ng bansa ang tagumpay at progreso.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino