Yang Jiechi at Alan Cayetano, nagtagpo

2017-06-29 10:55:33 CRI

Nagtagpo Miyerkules, Hulyo 28, 2017 sa Beijing sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

Ipinahayag ni Yang na sa susunod na yugto, dapat ibayo pang pahigpitin ng dalawang bansa ang pagtitiwalaang pulitikal at pag-uugnayan sa estratehiya ng pag-unlad, at komprehensibong palalimin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan para pasulungin ang matatag, sustenable at malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi pa ni Yang na kinakatigan ng Tsina ang mga gawain ng Pilipinas bilang kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng ASEAN.

Ipinahayag naman ni Cayetano na hinhaangaan ng Pilipinas ang positibong papel ng Tsina para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito. Dagdag pa niya, nakahanda ang Pilipinas na pasulungin, kasama ng Tsina, ang bilateral na relasyon at kooperasyong panrehiyon sa pamamagitan ng konstruksyon ng “Belt and Road” Initiative.

Salin: Ernest

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino