Wang Yi: Independent Foreign Policy ng Pilipinas, makabubuti sa mga Pilipino

2017-06-30 18:30:12 CRI

Beijing--Sa press conference na ginanap sa Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Tsina Huwebes, Hunyo 29, 2017, ipinahayag ni Foreign Minister Wang Yi na sa pananaw ng Tsina, ibinabatay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa pundamental at pangmalayuang interes ng bansa at mga mamamayan nito ang isinusulong na independent foreign policy.

Susi ang hakbang na ito sa pagbalik sa normal ng bilateral na ugnayan ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Minister Wang ang nasabing paninindigan nang sagutin ang tanong ni Jessica Soho, kilalang anchor/host ng GMA kaugnay ng pagpi-pivot ni Pangulong Duterte sa Tsina.

Ani Wang, "Tinatahak ng Pangulong Pilipino ang landas na makapagbibigay ng kaunlaran sa Pilipinas batay sa tunay na kalagayan ng bansa. Ang pagsusulong nito ng ugnayan sa isang panig ay dala ng tunay na pagtalima sa mga Pilipino."

Dagdag pa niya, ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina ay may mahabang kasaysayan. Ang mabuting pagkikipag-kapitbansa ay mahalagang katangian ng ugnayang ito. Ang pagkakaiba o hidwaan ay hindi tanging tampok nito.

Idiniin din ni Wang ang kagustuhan ng Tsina na suportahan ang planong pangkaunlaran ng Pilipinas at umaasang patuloy na magiging matapat ang dalawang bansa sa pagsusulong ng pagkakaibigan, pagpapalakas ng mutuwal na pagtitiwalaan, maayos na hawakan ang mga sensitibong isyu at mas palalimin ang lahat ng mga kooperasyong bilateral ng dalawang bansa tutungo sa magandang hinaharap.

Bilang pagtatapos, sinabi niyang ang mga kaganapan nitong nakalipas na ilang taon ay walang mabuting ibubunga. Ang pagtatangkang baguhin ang kasakuluyang tinatahak na landas ng mabuting ugnayan ay makasasama sa interes ng mga Pilipino. At hindi nais ng Tsina na makita ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino