Cayetano, kinatagpo ng Premyer Tsino

2017-07-01 21:20:23 CRI

Cayetano, kinatagpo ng Premyer Tsino

Nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-30 ng Hunyo 2017, sa Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kay Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

Ipinahayag ni Li, na bilang magkapitbansa, ang komong interes ng Tsina at Pilipinas ay mas mahalaga kaysa kanilang pagkakaiba. Aniya, ang pagbalik ng relasyong Sino-Pilipino sa landas ng mapagkaibigang pag-unlad ay angkop sa saligang interes ng kapwa panig, at makakabuti rin sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Sinabi rin ni Li, na kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang pagsisikap ng panig Pilipino para sa pagtatatag ng bansa, pagpapaunlad ng kabuhayan, at pangangalaga sa katahimikan. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Pilipino, na patatagin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura at ibang mahalagang larangan, at palakasin ang pagpapalitan ng mga mamamayan.

Ipinahayag din ni Li, na batay sa komprehensibo at mabisang pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at pagkakaroon ng Code of Conduct in the South China Sea, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng iba't ibang may kinalamang panig, na patuloy na pasulungin ang diyalogo at pagsasanggunian, at isagawa ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, para magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito.

Ipinahayag naman ni Cayetano, na ang pagpapalagayan sa mataas na antas ay nagbigay ng matibay na pundasyon sa pagbuti at pag-unlad ng relasyong Pilipino-Sino. Aniya, pinasasalamatan ng Pilipinas ang pamahalaang Tsino sa pagkatig at pagbibigay ng mga tulong sa bansa, at nakahanda itong ibayo pang palalimin ang relasyon sa Tsina, at palawakin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan.

Dagdag pa ni Cayetano, magsisikap ang Pilipinas para pasulungin ang relasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino