ASEAN official: dapat samantalahin ng ASEAN at Tsina ang mga pagkakataon para pasulungin ang kooperasyon

2017-07-07 16:53:49 CRI CRI

Sa isang panayam kamakailan sa Jakarta, Indonesya, ipinahayag ni AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na dapat magkasamang samantalahin ng ASEAN at Tsina ang kasalukuyang mga mahalagang pagkakataon, para pasulungin sa bagong antas ang kanilang kooperasyon.

Sinabi ni Mochtan, na nitong ilang taong nakalipas, iniharap ng Tsina ang Belt and Road Initiative, at aktibo namang lumalahok dito ang mga bansang ASEAN. Samantala, nagkabisa na aniya ang upgraded version ng ASEAN China Free Trade Area, at mabunga ang mga platapormang pangkooperasyon, na gaya ng China ASEAN Expo. Ipinalalagay ni Mochtan, na ang mga ito ay nagbigay ng mga mahalagang pagkakataon sa kooperasyon ng ASEAN at Tsina sa hinaharap.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino