Indonesia: buong tinding susugpuin ang IS

2017-07-13 16:14:42

Ayon sa pahayagang "Harian Nusantara" ng Indonesia, ipinahayag ni Indonesian Defense Sec. Ryamizard Ryacudu na kasalukuyang pumapasok ang mga miyembro ng "Islamic State (IS)" sa rehiyong Asyano. Aniya, hindi ito pahihintulutan ng Indonesia at buong tinding susugpuin ang organisasyong ito.

Ipinahayag din niya na tangka ng IS na ilakip ang Indonesia, Malaysia, at Pilipinas sa "sphere of influence" nito.

Ipinahayag ito ni Sec. Ryacudu sa Simposyum hinggil sa Pandaigdigang Siyensiya't Teknolohiyang Pandepensa na idinaos, Hulyo 12, 2017 sa Bogor, West Java Province ng Indonesia.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino