Bagong linya ng transportasyong pandagat sa pagitan ng Zhanjiang at ASEAN, naisaoperasyon

2017-07-18 12:02:51 CRI

Lunes, Hulyo 17, 2017, dumating ng Puwerto ng Zhanjiang, Lalawigang Guangdong ng Tsina, ang treng pangkargamento ng isang kompanya ng Guizhou, Tsina. Ito'y may lulang 20 container. Dahil sa mabilis na customs clearance, nailipat ang mga container sa mabilis na linya, at agad na dumating ng Lat Krabang, Thailand. Ito ang unang pangkat ng kargamentong dumaan sa magkasanib na linya ng transportasyong pandagat at daambakal sa pagitan ng Fuquan, Zhanjiang at Thailand.

Bilang isang himpilan sa kahabaan ng Belt and Road, pagpasok ng nagdaang Marso, naisaoperasyon ng Zhanjiang ang mga bagong linya ng transportasyong pandagat patungong ASEAN. Ito'y ibayo pang magpapatatag sa tsanel na pandagat ng kalakalang panlabas sa pagitan ng inland sa timog kanluran ng bansa at iba't ibang bansang ASEAN.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino