2017 China-ASEAN Mining Cooperation Forum, idaraos sa Nanning

2017-07-18 12:04:39 CRI

Mula ika-23 hanggang ika-26 ng Agosto, 2017, idaraos sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang 2017 China-ASEAN Mining Cooperation Forum. Ang tema ng kasalukuyang porum ay "Pagtatatag ng Puwerto ng Impormasyon ng Industriyang Mineral ng Tsina at ASEAN, Pagpapalalim ng Bagong Plataporma ng Kooperasyon ng Belt and Road."

Tinayang lalahok sa nasabing porum ang 800 panauhin na kinabibilangan ng halos 100 kinatawan mula sa mga departamento ng industryang mineral, bahay-kalakal at samahang komersyal ng ASEAN. Sa panahon ng porum, lalagdaan ng China Mining Association at ASEAN Mining Association ang kasunduan sa kooperasyon.

Bilang isa sa mga serye ng aktibidad ng China-ASEAN Expo at China-ASEAN Business and Investment Summit, 7 beses nang matagumpay na naidaos ang ganitong porum.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino