Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Laos, naglakbay-suri sa bahagi ng daambakal ng Vientiane sa pagitan ng Tsina at Laos

2017-07-21 13:40:53 CRI

Ayon sa ulat ng mga pahayagang "Pathet Lao" at "Sethakit Sangkom" ng Laos, naglakbay-suri kamakailan si Pany Yathotou, Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Laos, kasama ng mga opisyal ng pamahalaan, sa bahagi ng daambakal ng Vientiane na nasa pagitan ng Tsina at Laos. Pinakinggan nila ang kinauukulang ulat sa progreso ng konstruksyon ng nasabing daambakal, at kuru-kuro ng mga mamamayang Lao sa kahabaan ng daambakal.

Ikinasiya ng nasabing opisyal Lao ang progreso ng konstruksyon ng naturang daambakal, at pinasalamatan ang pagkatig ng mga mamamayan sa kahabaan nito.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino