Unang Clinical Skills Training Center ng Hukbong Lao, itinatag

2017-08-03 12:17:34 CRI

Agosto 2, 2017-Idinaos sa Vientiane, Laos ang seremonya ng pagbaba ng tabing ng Clinical Skills Training Center ng No.103 Hospital ng Hukbong Lao. Ito'y itinayo ng Kunming General Hospital ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina.

Ang nasabing sentro ay ang unang sentro ng pagsasanay ng clinical skill sa sistema ng kalusugan ng Hukbong Lao. Ito'y may 17 pasilidad at mga may kinalamang kagamitan.

Noong ika-25 ng nagdaang Hulyo, pumunta sa Vientiane ang isang grupong medikal ng tropang Tsino para ipagkaloob ang serbisyong medikal sa lokalidad. Nang malaman nilang wala pang clinical skills training center ang Hukbong Lao, ipinasiya ng panig Tsino na tumulong sa pagtatayo ng isang sentro sa Laos.

Bukod sa Vientiane, mayroong isa pang grupong medikal ang tropang Tsino na naglilingkod sa lalawigang Luang Namtha sa dakong Hilaga ng Laos.

Ang naturang dalawang grupong medikal ng Tsina ay nagkakaloob ng serbisyong medikal para sa mga mamamayang lokal at nagsasagawa ng pagpapalitang akademiko at kultural sa tropa ng Laos.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino