Halaga ng Baht ng Thailand, tumaas ng 7.6%

2017-08-03 12:27:00 CRI CRI

Ipinatalastas Martes, Agosto 2, 2017, ni Predee Doachai, Tagapangulo ng Thai Bankers' Association (TBA) na umabot sa 33.22:1 ang closing price ng Baht sa US Dollar noong Agosto 1. Ang halagang ito aniya ay mas mataas ng 7.6% kumpara noong pagpasok ng taong ito. Ang pagtaas na ito ay nanguna sa mga bansang Asyano, dagdag niya.

Idinagdag pa ni Predee Doachai na dahil sa nasabing pagtaas ng halaga, 24 bilyong Baht na puhunang dayuhan ang ibinuhos sa stock market ng Thailand.

Ipinahayag naman ng Bangko Sentral ng Thailand na buong higpit nitong sinusubaybayan ang malakas na pagtaas ng halaga ng Baht.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino