50th ASEAN Ministerial Meeting (AMM) at Post-Ministerial Conferences, binuksan sa Manila

2017-08-03 15:48:07 CRI

Manila, Pilipinas-Binuksan Agosto 2, 2017 ang 50th Association of South East Asian Nations Ministerial Meeting (AMM) at Post-Ministerial Conferences. Sa pitong araw na pagtitipon, sasariwain ng mga kalahok ang natamong bunga at direksyong panghinaharap ng konstruksyon ng Komunidad ng ASEAN, at tatalakayin din nila ang mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Bilang host, pangunguluhan ni Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Ugnayang Panlabas(DFA) ng Pilipinas ang sesyong plenaryo ng Foreign Ministers' Meeting ng ASEAN, at dadalo rin siya sa mga may-kinalamang aktibidad.

Kasabay ng 50th Foreign Ministers' Meeting ng ASEAN, idaraos din sa Manila ang 7th East Asia Summit (EAS) Foreign Ministers' Meeting, 18th ASEAN Plus Three (APT) Foreign Ministers' Meeting at 24th ASEAN Regional Forum ( ARF) Plenary.

Samantala, sa magkakahiwalay na okasyon, makikipag-usap ang ASEAN sa kanilang 10 kadiyalogong bansa.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino