ASEAN, nanawagan sa iba't ibang may kinalamang panig sa Korean Peninsula na isagawa ang diyalogo

2017-08-06 10:16:52 CRI

Sa pahayag na inilabas Sabado, Agosto 5, 2017 sa Manila ng mga ministrong panlabas ng mga bansang ASEAN, ipinahayag nila ang malaking pagkabahala sa paglala ng tensyon sa Korean Peninsula.

Nanawagan sila sa iba't ibang may kinalamang panig na panatilihin ang pagtitimpi at likhain ang mga kondisyon para mapanumbalik ang diyalogo at mapahupa ang kasalukuyang tensyon sa rehiyong ito.

Inulit ng mga bansang ASEAN na kinakatigan nila ang pagsasakatuparan ligtas sa sandatang nuklear sa Korean Peninsula sa mapayapang paraan. Ipinahayag din ng ASEAN na nakahanda itong gumanap ng konstruktibong papel sa katatagan at kapayapaan ng Korean Peninsula.

Bukod dito, matinding hiniling ng ASEAN sa Hilagang Korea na komprehensibnog isakatuparan ang mga obligasyon na itinakda ng mga resolusyon ng UN Security Council, para magbigay ng ambag para sa sustenableng kapayapaan, katatagan, pagkakaibigan at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino