Thailand, mahigpit na bibigyang-dagok ang droga

2017-08-07 15:22:21

Sinabi kahapon, Agosto 6, 2017, ni Kongcheep Tantravanich, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Thailand, na nitong sampung (10) buwang nakalipas, nadiskober at nasamsam ng mga alagad ng batas ang maraming droga. Samantala, inaresto ng bansang ito ang maraming drug dealer na kinabibilangan ng mga Thai at dayuhan.

Bukod dito, sinabi niya na sa nasabing panahon, dinakip ng mga alagad ng batas ang mahigit 30 libong tao na sangkot sa pagbebenta ng mga sandata.

Dagdag pa niya, hiniling kamakailan ni Prawit Wongsuwan, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulang Bansa, sa mga alagad ng batas na mahigpit na ipatupad ang batas upang matinding bigyang-dagok ang pagbebenta ng sandata, droga, at mga ilegal na kaukulang grupo.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino