Milyong Dolyares, ginawaran ang mga nag-ambag na pulis sa paglaban sa droga — Cambodia

2017-08-07 15:41:14

Sa ngalan ni Sar Kheng, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Suliraning Panloob ng Cambodia, ginawaran ni Neth Savoeun, National Police Chief ng bansang ito, ng isang milyong Dolyares na gantimpala ang mga pulis na nag-ambag sa pakikibaka laban sa droga noong unang hati ng kasalukuyang taon.

Ayon sa ulat na inilabas ng panig pulisya ng Cambodia, noong unang hati ng kasalukuyang taon, kabilang sa mga nalutas na drug cases ay 13 malaking kaso ng droga, at halos 98 kilong droga ang nadiskober at nasamsam.

Nauna nang nagbigay ng isang milyong USD reward si Sar Kheng bilang gantimpala sa mga nag-ambag na pulis sa drug campaign.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino