Ika-7 AEC Plus 8 Gems and Jewelry Presidents' Summit, gaganapin sa Shanghai

2017-08-07 15:45:50

Naypyitaw - Ginanap, Biyernes hanggang Sabado (Agosto 4 hanggang 5,2017), ang Ika-6 na ASEAN Economic Community (AEC) Plus 8 Gems and Jewelry Presidents' Summit.

Sa summit, nanawagan ang mga gems at jewelry dealers ng Myanmar sa gems at jewelry industry ng bansa na pabilisin ang pag-unlad. Samantala, nanawagan din silang dapat palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa aspekto ng pag-u-upgrade ng nasabing industriya.

Magugunitang sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos sa Thailand noong 2002 ang naturang summit. Pagkatapos nito'y magkakasunod itong ginanap sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaya ng Malaysia, at Biyetnam.

Ayon sa resulta ng pagboto ng mga gems at jewelry presidents ng sampung (10) bansang ASEAN, gaganapin sa Shanghai, Tsina ang Ika-7 AEC Plus 8 Gems and Jewelry Presidents' Summit sa susunod na taon, na nasa pagtataguyod ng Shanghai Gems at Jade Exchange (CSGJE).

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino