Ika-11 Conference on ASEAN-China People-to-People Friendship, binuksan

2017-08-08 16:58:20 CRI CRI

Ika-11 Conference on ASEAN-China People-to-People Friendship, binuksan

Binuksan kahapon, Lunes, ika-7 ng Agosto 2017, sa Siem Reap, Kambodya, ang Ika-11 Conference on ASEAN-China People-to-People Friendship.

Ika-11 Conference on ASEAN-China People-to-People Friendship, binuksan

Dumalo rito sina Pangalawang Punong Ministro Hor Namhong ng Kambodya, Pangulong Gu Xiulian ng China-ASEAN Association, Pangulong Ek Sam Ol ng Cambodia-China Friendship Association, at mga puno ng mga samahan sa pagkakaibigan ng mga iba pang bansa ng ASEAN.

Ang tema ng kasalukuyang pulong ay "pagpapalakas ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at ASEAN, para sa pangangalaga sa kapayapaan at pagtutulungan." Layon nitong palakasin ang relasyon ng mga bansang ASEAN at Tsina, para magdulot ng benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.

Ang mga paksa sa pulong ay kinabibilangan ng kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, pagbuo ng mekanismo ng pangangalaga sa kapayapaan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, pagkakaibigan ng mga kabataan ng ASEAN at Tsina, kooperasyong panturismo ng Tsina at ASEAN, at planong pangkaunlaran ng mga lunsod ng ASEAN at Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino