Pagtatanghal ng mga kaligrapya at pinta ng Tsina at Malaysia, idinaos

2017-08-17 10:55:37 CRI

Idinaos Miyerkules, Agosto 16, 2017 sa Kuala Lumpur ang unang pagtatanghal ng mahigit 100 katha ng kaligrapya at pinta ng mga babaeng artista ng Tsina at Malaysia.

Lumahok sa pagtatanghal ang ilampung babaeng alagad ng sining ng dalawang bansa.

Sinabi ni Kong Zi, Tagapangulo ng Chinese Female Artists Association, na ang obra ng mga babaeng artista ay mahalagang bahagi ng kasaysayan ng sibilisasyon ng buong sangkatauhan.

Sinabi pa niyang ang naturang pagtatanghal ay magandang plataporma ng pagpapalitan ng mga alagad ng sining ng dalawang bansa at pagpapalalim ng pagkakaibigan ng dalawang panig.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino